cell (sel) 1: selda 2: maliit na pangkat na bahagi ng isang malaking pangkat o organisasyon 3: mikroskopikong estruktura ng mga hayop at halaman na naglalamán ng nuklear at cytoplasmic na materyales na napapaloob sa isang semi-permeable membrane 4: isa sa mga bahagi ng pakpak ng kulisap na nahahati ng vein 5: gamit na nagdadalá ng elektrisidad 6: lalagyan ng gas sa balloon 7: pinaikling anyo ng cellular phone
white slavery (wayt ís•le•ve•rí) 1: kalagayan ng mga tao na sapi-litang pinagtrabaho sa prostitusyon 2: krimen ng tao na sangkot sa naturang sapilitang prostitusyon
white hope (wayt howp) : tao na inaasahang magtatagumpay para sa isang pangkat, organisasyon, at katulad
white admiral (wayt ád•mi•rál) : uri ng paruparo (genus Limenitis) na initiman ang pakpak at may putîng batík
white fish (wayt fish) : isdang-alat (genus Coregonus o Pro-sopium) na karaniwang matatagpuan sa timog America
white heat (wayt hit) 1: yugto ng pagkakaroon ng masidhing gawain, pakiramdam, at katulad 2: matinding init na nakalilikha ng liwanag sa nasisinagan nitó
germ cell (dyerm sel) : ang seksuwal na reproduktibong cell sa alinmang antas mula sa primor-dial cell hanggang tigulang na gamete
white elephant (wayt é•le•fánt) : pag-aari, gusali, at katulad na ginastusan ngunit hindi na pinakikinabangan o kailangan, lalo na kung magastos pangalagaan